Lightweight Hard Disk

September 6, 2007 Leave a comment

When you do a lot of travelling, mas favored mo na magagaang ang dala mo. Lalo na pag you are travelling abroad. Maari ang babae, nanasahin niyang dalhin ang buong aparador niya, pero when you travel in air, mamumulubi ka sa pagbabayad ng excess baggage. Ganun din naman sa Digital world, mas favored mo na lightweight ang mga dala mo. Magmula sa mga desktop, laptops, and gadgets.

With this, Toshiba launches it’s 1.8-inch na 160 GB Hard Disk. Malaki lang ng kaunti sa 2A battery. Something techy savvy people would want. It uses the CE-ATA interface with less power consumption na 0.002W/GB, na mas mababa sa nauna nilang 1.8 inch na 100GB.

So sa mga people na need ng lightweight na malaki din ang capacity, I suggest you try this.

I hope magkaroon din ng 40-80 GB na flashdisk sa hinaharap.

 Toshiba 160GB 1.8-inch Hard Disk[DailyTech]

Sky is the Google

September 2, 2007 Leave a comment

Google Earth in an awesome creation of Google. Imbis na manood ako ng mga tsismisan sa dos saka siete na pati kung kailan lumabas ang tigyawat ng artista e naitatanong, siguro mas mabuting pagaralan ko ang geography ng mundo at makita ang iba’t ibang bansa sa pamamagitan lamang nito. I must admit hindi ako interasado nung bata ako sa globe ng school namin sa library. Natutuwa lang ako na paikut-ikutin ito kaya ko lang madalas itong mahawakan. Siguro dahil plain na plain para sa akin ang globo, magmula sa kulay, laki, and mga pangalan ng bansa at mga nayon sa loob niya.

Pero what if you could see something more than that?

What if able mong makita ang image ng tuktok ng hotel na tinuluyan mo sa Hong Kong, bubungan ng bahay niyo, bubungan ng dati niyong bahay, eroplanong nasa gitna ng kalsada sa Africa, nagsiswimming sa rooftop somewhere in Germany, mga barkong nasira sa gilid ng dagat, mga camel na naglalakad sa Middle East, mga sealion sa pampang ng dagat, etc., etc. Whew! Napakaraming possibility and options to choose from and play around. Kaunti pa lang yan sa talagang mga naexplore ko na pero the craving for it never stops.

Pero while I am still exploring more about google earth, Google releases an addition na nagiging sensation ngayun sa buong mundo…

Google Sky. Fasten your seatbelt and watch the vid.

Ang author ng blog na ito ay pinalad na magkaroon ng sariling domain. Simula ngayung buwan ng Mayo, 2009, maaari niyo nang mabasa ang kaniyang mga bagong articles sa www.angresulta.com . Libre po ang pagbabasa pero sana ay huwag kalimutan magkomento :) kaya lipat na po kayo sa angresulta.com at makabasa ng mga bagong artikulo na nauukol sa ating panahon. Ang blog na resulta.wordpress.com ay mananatili bilang alaala sa mga pasimulang hangarin ng author na makatulong sa ating mga kababayan TECHnically.

You’ve been ERASED

August 16, 2007 Leave a comment

I installed a trial version of an antivirus called NOD32. It was a 30 day trial before ka bumili kung magugustuhan mo o hindi. Pero when it expired on my PC, I have decided to uninstall it. I go to Control Panel/ Add Remove Progams and Uninstall it. Pero when I started removing it, the program refused. Ayaw ng NOD32 na alisin ko siya sa PC ko. This is not good and it forces you to buy kahit ayaw mo.

Siguro kailangan ko nang kumuha ng agent to Erased.

I started searching for a software that can force delete. I found one, named SmartyUninstaller. Ok siya and I want to retain this program sa akin pero you need to buy it. But when it comes to PC, I am not a compulsive buyer. I just weigh things kung kailangan ko and I have a motto that “there is always a way” sa PC World. Luckily, I have found Revo Uninstaller sa download.com and guess what? Its a freeware.

I installed it, then sabi ni Revo kay NOD…

“You’ve Been ERASED.”

Ang author ng blog na ito ay pinalad na magkaroon ng sariling domain. Simula ngayung buwan ng Mayo, 2009, maaari niyo nang mabasa ang kaniyang mga bagong articles sa www.angresulta.com . Libre po ang pagbabasa pero sana ay huwag kalimutan magkomento :) kaya lipat na po kayo sa angresulta.com at makabasa ng mga bagong artikulo na nauukol sa ating panahon. Ang blog na resulta.wordpress.com ay mananatili bilang alaala sa mga pasimulang hangarin ng author na makatulong sa ating mga kababayan TECHnically.

I am what I am

August 16, 2007 1 comment

Working abroad? Or on vacation?

Well kung anoman ang iyong reason for being abroad, I guess you will agree on what I will say na once na tumatagal ka na sa isang lugar na malayo sa bansa mo, one word would best describe what you are feeling…

Homesick.

Yup, it’s a reality and plastik lang ang magsasabing hindi niya nararamdaman ito. Or siguro wala siyang puso kaya wala siyang nararamdaman. Siempre, you miss so many things sa sarili mong bansa. Magmula sa iyong pamilya, mga kaibigan, special someone or your crush, your house, kwarto mo, damit mo, traffic sa Cubao, mga murang bilihin sa Quiapo at Divisoria, SM, Wanton Noodles ng Chowking, mga Koreanovela na dubbed sa tagalog, etc, etc…

Well kung ayaw mong tanggapin na homesick ka at malaOrocan na ang pagiging plastic mo, bahala ka sa buhay mo. Pero it’s a sure fact na mayroon kang namimiss. But this time, let me tell you a simple remedy that I always do.

I tuned in a Filipino channel called UNTV 37.

Yes, I watch UNTV on a daily basis and it’s free. I only need my PC and an internet connection and log on to untvweb.com.

Hay… sarap madinig ng sariling wika after a long day of hearing foreign language…Tune in and enjoy…

Channel 37 Broadcast[untvweb]

Ang author ng blog na ito ay pinalad na magkaroon ng sariling domain. Simula ngayung buwan ng Mayo, 2009, maaari niyo nang mabasa ang kaniyang mga bagong articles sa www.angresulta.com . Libre po ang pagbabasa pero sana ay huwag kalimutan magkomento :) kaya lipat na po kayo sa angresulta.com at makabasa ng mga bagong artikulo na nauukol sa ating panahon. Ang blog na resulta.wordpress.com ay mananatili bilang alaala sa mga pasimulang hangarin ng author na makatulong sa ating mga kababayan TECHnically.

The Frog

August 7, 2007 1 comment

Sa PC world, you need to constantly defrag your disk.

What is Defrag and why do I need to?

Ang hard disk ng bawat PC ay nangangailan ng constant defragmenting. Habang nagdadagdag ka ng nagdadagdag ng file sa iyong hard disk, nagiging more fragmented ang locations ng mga file. Ang heavily fragmented disk tends to slow and makes PC usage a nightmare sa bagal and glitches. In laymans term, hiwa-hiwalay ang location ng iyong mga file sa hard disk, making the pin of the disk, locate it longer. Once na nagdefrag ka ng iyong disk, hinihila niya ang halos lahat ng file sa isang location making it easier for your computer to locate files mechanically. Ayon sa Wiki:

In the context of administering computer systems, defragmentation is a process that reduces the amount of fragmentation in file systems. It does this by physically reorganizing the contents of the disk to store the pieces of each file close together and contiguously. It also attempts to create larger regions of free space using compaction to impede the return of fragmentation. Some defragmenters also try to keep smaller files within a single directory together, as they are often accessed in sequence.

Now the question is how do I defrag?

Method 1: Use the Properties of Your Local Disk
1.Open My Computer.
2.Right-click the local disk volume that you want to defragment, and then click Properties.
3.On the Tools tab, click Defragment Now.
4.Click Defragment

Kung matagal-tagal ka nang hindi nakakapagdefrag, start the process before ka matulog dahil matagal tagal ang aantayin mo bago matapos . Others do it on a weekly basis. Ok yun pero I advice you to do it committedly. Once na napabayaan mo ito o binalewala mo, your PC will slow down in the process making you less productive and boring.

Pero if you may ask me, I use the software Diskeeper 2007. It has an option called “Set and Forget.” Meaning once na nakaset na siya, everything works automatically without you having to worry about forgetting it.

Until then, God Bless.

Vinvin

PS: The “The Frog” title was only used to make you curious. Hope it made you so.

Ang author ng blog na ito ay pinalad na magkaroon ng sariling domain. Simula ngayung buwan ng Mayo, 2009, maaari niyo nang mabasa ang kaniyang mga bagong articles sa www.angresulta.com . Libre po ang pagbabasa pero sana ay huwag kalimutan magkomento :) kaya lipat na po kayo sa angresulta.com at makabasa ng mga bagong artikulo na nauukol sa ating panahon. Ang blog na resulta.wordpress.com ay mananatili bilang alaala sa mga pasimulang hangarin ng author na makatulong sa ating mga kababayan TECHnically.

In the News

August 3, 2007 Leave a comment

Maraming kumpanya sa Japan ang nagrereklamo sa copyright infringement na nagagawa ng Youtube site. Although Youtube is trying to finish their project na video recognition to easily detect copyrighted materials and it will be launched according to them before the year ends. Youtube created a Japanese format site but many companies are not impressed sa dami ng illegally uploaded na mga materials ng mga Japanese Television Network. [Yahoo!News]

Sikat na sikat ang online game ngayun na lumabas sa China entitled Incorruptible Fighter. Ang mission ng player dito ay ieradicate ang mga corrupt officials included in the game. It has been downloaded 100,000 times since it was launched 8 days ago and the site has crashed due to its popularity. [BBC]

Microsoft Works, one of the newest creation of Microsoft ay ilalabas ng libre, with some advertisment packaged in the software. Ayon sa mga watchers ng industry, it seems na nagdedevelop ang Microsoft ng mamahalin nilang software ng libre para itapat sa creations ng Google. [Forbes]

Itunes, nakapagbenta na ng mahigit 3 billion songs. Sa loob lamang ng apat na taon, nagawa ng iTunes na makapagbenta ng ganito karami and ranking 3rd na sila sa mga music retailer, with Wal-Mart as number 1 and Best Buy Co as number 2. [MSNBC]