Downloading
DOWNLOADING. Ito ang salitang pirme mong maririnig kapag ikaw ay may knowledge sa computer. Like “pakidownload” or “download mo” or “nagdodownload ako”, “downloading na ako”. Well in layman’s term, ang downloading ay computer term or lingo na nangangahulugan ng pagkuha ng isang file from a source. Anu-ano ang mga source? Well it varies, pero most of the time ang source ay from the internet.
So when you are a person who enjoy using the computer, the net, or anything related sa computer, downloading will surely be a part of your daily activity. But there are guidelines. Hindi naman dahil may puedeng idownload ay magdodownload ka na. You must be extra careful. Dahil kung hindi, maaari kang maging biktima ng computer virus.
Ano iyon? Ang computer virus ay hindi alikabok sa computer. May mga minsang bago sa computer na nagkakamali sa pagkadinig ng virus pag computer ang pinaguusapan. Mayroon pang nililinis ang diskette(although obsolete na) ng brush dahil baka daw magkavirus. Nakakatawa pero it’s a reality. I have seen it, and now siguro by knowing this you can avoid it. Ang virus ay program na gawa din ng tao. Tao na walang magawang matino sa buhay. Siguro there are exceptions, pero to sum it all, mostly ang virus ay creation ng isang tao na maraming oras para guluhin ang mundo.
In terms of downloading, marami tayong puedeng idownload sa computer or internet. Pupuedeng picture ng paborito nating singer (Eddie Vedder), kanta ng paborito mong banda (Pearl Jam by Eddie Vedder) or Software ng laro na nakita mo sa commercial(Ghost Recon), at marami pang iba. Puede na ding magdownload ng mga libro ngayun na computer format, it is called ebook. Ang pangarap nga ni Bill Gates ay sa ilang taon pang darating, ang libro ng mga schools ay nasa tablet na or laptop. No need na ng textbook, which is very possible na mangyari.
Sa kaunting nalalaman ko sa computer world, ano ang layon ng “DOWNLOADING” topic na pinost ko. Well, this is just an introduction ng marami pang mga bagay na ituturo ko sa inyo, God willing.
Pero as an introduction, I would like to introduce to you a very useful website na trustworthy and very innovative. Ito ay ang www.download.com na pagaari ng CNET company. This is a site na kailangan mong malaman, dahil maraming maitutulong sa iyo ang site na ito. Maari mong sabihin “ilang taon na akong nagcocomputer and hindi ko naman ginagamit yan”. Well this time, you will know some reasons why.
Whenever I am searching for a new software, I would google it. Before I was introduce sa internet browser na mozilla. I enjoyed it dahil may tab siya. no need na na mag new page ka pa to browse sa different website. Dahil sa mozilla, bumaba ang tingin ko sa Internet Explorer. When there was a time na nagloko ang windows ko and I need to reformat again, I searched for that software MOZILLA Firefox. Remember it is MO-ZI-LLA, parang god-zi-lla (the beast portrayed in a movie) pero this is MOZILLA naman. Huwag niyong pagkakamalian sa Mozzarella kasi keso naman yun na madalas nilalagay sa pizza. And ingat sa pronunciation dahil pag nalito kayo sa pagbigkas, magiging katatawanan kayo sa mga mapanglait. Well kung sasabihin mong exagerrated ako, then try it, I’m sure maniniwala ka din. So going back, I did format my PC, install uli ng mga software na kailangan and I need to put mozilla firefox back. Well I googled it and see mozilla firefox 2 in the results of search. May bago na palang version, and ang nakita kong isa sa nagbibigay ng bagong version na ito ay ang download.com. Of course maraming puedeng pagkuhaan pero ang download.com ang reliable and safe. May review ka pang mababasa sa kanya, and wala ng marami pang kung ano-anong offer.
So I scan the reviews for a while, ano ba ang advantage ng bagong mozilla firefox 2, and gano ba ito kalaki. Of course pag bago, may mga bagong features din na ilalabas. So I downloaded it, ilang sandali nasa akin na, ang kagandahan sa download.com, hindi ka kakabahan na may kasamang virus ang binigay niya sa iyo. Walang popups (minsan may popups pang sexy or minsan online casino) na guguluhin ka pa.
So there I go, I got the file, installed it and vroooom… Thanks sa download.com Well ito ang isa sa mga pakinabang na makukuha mo sa website na ito. Pero does it end here? No. Next time, I’ll show you more features ng site na ito. Anu-ano pa ang mga pakinabang na makukuha nito and hey, this could save you money, time and effort. I have experienced some crucial moment in my work na nagpapasalamat ako’t alam ko ang site na ito.
In these post, may mga nabanggit ako na maaaring makalito sa iba. Ano ba yung browser? ano ba yung internet explorer (pag hindi mo alam ito magtataka ako bakit nabasa mo itong blog na ito). Ano ang mozilla firefox, pano ba gamitin ito? Ano ang popups? ano yung sexy na binanggit ko(sure ka?), ano ang google. Sige, lahat yan malalaman niyo pa sa ibang mga post pang darating. Madali matuto ng paggamit ng computer, mayroon lang sanang magtuturo sa inyo. At sana isa ako na makapagturo sa inyo.
Until then, Godbless.
Truly Yours,
Vinvin

Recent Comments