Archive

Archive for the ‘Computer Know-How’ Category

Curtain Call for the 6th Stage

September 25, 2008 Leave a comment

According to Wikipedia: A curtain call (walkdown, bow) occurs at the end of a performance when individuals return to the stage to be recognized by the audience for their performance.

Stage 6 is now closed

Stage 6 is now closed

Boredom leads me to browse some video sites. Pumasyal ako sa Stage 6 na laging pinanonooran ng mga kaibigan ko. Unfortunately, na-shocked ako sa nabasa ko, it was closed. Of course I am for sure na Stage 6 was just any other business venture na from the start ay maganda ang concept. It stayed in the ring for a while but then wala na sila. Internet is free I could say for the user pero the sites put up here do need a big amount of money.

Bakit ko nasabi?

YouTube is the most popular sa mga video sites, pero alam niyo ba na ang YouTube ay gumagastos ng million dollars para imaintain lang ang bandwidth ng traffic every month? Kung papaano nila nasusustinehan ang napakalaking expenses ay sa advertisement malamang. Pero hindi.

Stage 6, Salamat anyway...

Stage 6, Salamat anyway...

Hindi pa enough ang kita ng YouTube sa mga ads, para isustine nila ang gastos palabas. Pero dahil pagaari sila ng Google(the number one company ngayun sa USA) kaya probably, they have all the time to experiment na maging monetary ang site. Of course kailangang kumita ng site, to sustain their purpose. So competing Youtube gaya ng Stage 6 is such an enormous task.

But to the creator of Stage 6 (Divx). Thanks for all the time you spent sa net. I am one of the users, of your site and whatever reason there is kung bakit kayo nagsara. Thanks for the wild ride you gave us…

Ang author ng blog na ito ay pinalad na magkaroon ng sariling domain. Simula ngayung buwan ng Mayo, 2009, maaari niyo nang mabasa ang kaniyang mga bagong articles sa www.angresulta.com . Libre po ang pagbabasa pero sana ay huwag kalimutan magkomento :) kaya lipat na po kayo sa angresulta.com at makabasa ng mga bagong artikulo na nauukol sa ating panahon. Ang blog na resulta.wordpress.com ay mananatili bilang alaala sa mga pasimulang hangarin ng author na makatulong sa ating mga kababayan TECHnically.

Docx. Cannot Open Tol!

August 19, 2008 Leave a comment
Office 2007. Bili na!

Office 2007. Now with an x.

Office 2003…One of the my buddies. I have been used to working on Office 2003. But siempre di natin puedeng iignore na maglalabas ng bago ang Microsoft sa mga ilang taong padating. Hmmm ok lang kasi mabubuksan ko pa din naman diba ang mga files ko sa susunod na platform na ilalabas nilang version ng office?

Yan ang akala ko…

Then Office 2007 came. At first ok lang siya dahil nabubuksan ko ang mga dati ko nang mga word files sa kanya.

Ok here comes the problem…

When a colleague saved a document made in Word 2007. There came Barney. It was saved as .docx. And when I was opening it on my trusted 2003 Office, it didn’t open. And how do I resolve this? I talk to my colleague and ask her to convert it in a 2003 format which is .doc and send it to me again.

I still liked 2003 but 2007 just ain’t my type yet. Medyo mabagal and parang masyadong lollipop ang interface. Parang pinaganda yet pinakomplikado. I want everything simple. Sometimes pinapakomplikado ng ibang tao ang isang bagay na puede namang simple. Resist if you want I don’t care.

Pero pero pero… Microsoft suddenly released a solution. Siguro naasar din sila sa ginawa nila. You just need to install the “Compatibility Pack” by Microsoft and open .docx in 2003 with a breeze.

Thanks for reading, I hope it helps you. Until then Godbless.

Microsoft[Compatability Pack]

Post in your comments.

Ang author ng blog na ito ay pinalad na magkaroon ng sariling domain. Simula ngayung buwan ng Mayo, 2009, maaari niyo nang mabasa ang kaniyang mga bagong articles sa www.angresulta.com . Libre po ang pagbabasa pero sana ay huwag kalimutan magkomento :) kaya lipat na po kayo sa angresulta.com at makabasa ng mga bagong artikulo na nauukol sa ating panahon. Ang blog na resulta.wordpress.com ay mananatili bilang alaala sa mga pasimulang hangarin ng author na makatulong sa ating mga kababayan TECHnically.

You’ve been ERASED

August 16, 2007 Leave a comment

I installed a trial version of an antivirus called NOD32. It was a 30 day trial before ka bumili kung magugustuhan mo o hindi. Pero when it expired on my PC, I have decided to uninstall it. I go to Control Panel/ Add Remove Progams and Uninstall it. Pero when I started removing it, the program refused. Ayaw ng NOD32 na alisin ko siya sa PC ko. This is not good and it forces you to buy kahit ayaw mo.

Siguro kailangan ko nang kumuha ng agent to Erased.

I started searching for a software that can force delete. I found one, named SmartyUninstaller. Ok siya and I want to retain this program sa akin pero you need to buy it. But when it comes to PC, I am not a compulsive buyer. I just weigh things kung kailangan ko and I have a motto that “there is always a way” sa PC World. Luckily, I have found Revo Uninstaller sa download.com and guess what? Its a freeware.

I installed it, then sabi ni Revo kay NOD…

“You’ve Been ERASED.”

Ang author ng blog na ito ay pinalad na magkaroon ng sariling domain. Simula ngayung buwan ng Mayo, 2009, maaari niyo nang mabasa ang kaniyang mga bagong articles sa www.angresulta.com . Libre po ang pagbabasa pero sana ay huwag kalimutan magkomento :) kaya lipat na po kayo sa angresulta.com at makabasa ng mga bagong artikulo na nauukol sa ating panahon. Ang blog na resulta.wordpress.com ay mananatili bilang alaala sa mga pasimulang hangarin ng author na makatulong sa ating mga kababayan TECHnically.

I am what I am

August 16, 2007 1 comment

Working abroad? Or on vacation?

Well kung anoman ang iyong reason for being abroad, I guess you will agree on what I will say na once na tumatagal ka na sa isang lugar na malayo sa bansa mo, one word would best describe what you are feeling…

Homesick.

Yup, it’s a reality and plastik lang ang magsasabing hindi niya nararamdaman ito. Or siguro wala siyang puso kaya wala siyang nararamdaman. Siempre, you miss so many things sa sarili mong bansa. Magmula sa iyong pamilya, mga kaibigan, special someone or your crush, your house, kwarto mo, damit mo, traffic sa Cubao, mga murang bilihin sa Quiapo at Divisoria, SM, Wanton Noodles ng Chowking, mga Koreanovela na dubbed sa tagalog, etc, etc…

Well kung ayaw mong tanggapin na homesick ka at malaOrocan na ang pagiging plastic mo, bahala ka sa buhay mo. Pero it’s a sure fact na mayroon kang namimiss. But this time, let me tell you a simple remedy that I always do.

I tuned in a Filipino channel called UNTV 37.

Yes, I watch UNTV on a daily basis and it’s free. I only need my PC and an internet connection and log on to untvweb.com.

Hay… sarap madinig ng sariling wika after a long day of hearing foreign language…Tune in and enjoy…

Channel 37 Broadcast[untvweb]

Ang author ng blog na ito ay pinalad na magkaroon ng sariling domain. Simula ngayung buwan ng Mayo, 2009, maaari niyo nang mabasa ang kaniyang mga bagong articles sa www.angresulta.com . Libre po ang pagbabasa pero sana ay huwag kalimutan magkomento :) kaya lipat na po kayo sa angresulta.com at makabasa ng mga bagong artikulo na nauukol sa ating panahon. Ang blog na resulta.wordpress.com ay mananatili bilang alaala sa mga pasimulang hangarin ng author na makatulong sa ating mga kababayan TECHnically.

I want you to LEARN, learn for me baby…. by Tina Arena.

June 25, 2007 14 comments

Pano ba matuto ng computer? Pano nga ba? Well, I don’t know much para sa iba. Pero here are 10 ways kung pano matuto. Based on my personal experiences. Ito ang

10 Ways to Learn On How to Use the COMPUTER (PC, MAC, Linux.. it’s up to you)

1.Huwag matakot. Una, ang computer ay hindi nangangagat. Pangalawa, gawa lang ito ng tao kaya tao ka din naman na puedeng pagaralan ito (turo ni Kuya Daniel:)). Pero bago ka tumapang, ipagtanong mo muna ang kahulugan ng format at delete. Ang Delete ay pagbubura ng file, ang Format ay pagbura ng buong hard disk ng computer meaning lahat ng files pati OS (Operating System). Mabuti ng alam mo ito at ito ang lines that you should not just cross, lalo’t bago ka sa computer.

2.Magbasa. Sa pagbabasa marami kang madidiscover, una nadiscover mo itong blog na ito dahil binasa mo ang message ko sa invitation ko para i-browse mo (tama ba?).Pangalawa, it is vital. Marami kang maiimbak na karunungan sa pagbabasa. Puede ka ding bumili ng book, yun nga lang may kamahalan. Before kang bumili, dahil mahal, try reading first sa mga bookstore, pagka sa tingin mo kailangan then go for it. Pero kung ilang pointers lang kailangan mo, puede mo namang huwag bilin kundi basahin lang. Pagka nakabalot sa bookstore, magpaalam ka ng magalang at pabuksan. Kapag ayaw, pumunta ka sa Powerbooks sa megamall at duon lahat ng books halos nakabukas, puede ka pang umupo sa sofa, libre at walang sisita. Pagka gutom ka na, lumabas at kumain sandali and then balik uli.In my other post na padating, I’ll show you more pointers kung ano ang mga ways to acquire many reading materials.

sabog3.Application.walang mas maganda sa pagbabasa kundi gawin sa actual. Maaaring nakikita mo sa pelikula na ang baril ay may isang libong bala at napapatay lahat nang kalaban, pero sa aktuwal walo lang pala ang bala at nakakabingi pa. Maaari nakita mo sa pelikula na ng mabuhusan ng kape ang keyboard ng computer ay sumabog ang buong laboratoryo at nagkaroon ng invisible man dahil sa nangyari pero ng mabuhusan mo ang sayo ng kape e nangamoy kape lang at kailangan mong patuyuin ng nakabaligtad at most of the time nagagamit uli. Para maiwasan mo ang maging inosente, huwag kang matapos sa pagbabasa. Apply what you have learn.

4.Magaral.Kung gusto mo talagang matuto, maaari kang magaral sa mga eskuwelahan na nagtuturo nito. Kung gusto mong maging propesyon ito, tama lang lalo na magaral ka. Marami namang eskuwelahan na nagtuturo nito sa Pilipinas at sa buong mundo.Ingat lang sa mga eskuwelahang Iskul Bukol.

5.Magtanong.”daig nang mapagtanong ang marunong.” I think wala na akong dapat ipaliwanag dito.

6.Magduda sa sarili. may mga pagkakataon, nasa bingit ka ng pagaalangan, hunch saduda inggles. Hindi porke marunong ka na ay di mo na maaaksidenteng mabubura ang tinype mo magdamagan ng limang araw. Dapat ay huwag ka laging sigurado sa nalalaman mo. Lagi kang cautious, maingat at nagaanalyze ng mga situation sa computer world. Nakakatulong madalas ang hindi tiwala sa sarili.Pagka feeling mo baka masira mo ang computer sa gagawin mo, magtext, magchat or tumawag at gawin ang number 5:Magtanong-sa mga kaibigan na makakatulong. Second opinion works for computer learning din. Ang word na second opinion ay naririnig natin madalas sa nagpapakonsulta sa doktor. Pero it is vital din madalas sa computer.

7.Enjoy. Nakita mo bang si Jordan na parang lulugolugo sa basketball court at gusto ng umuwi habang naglalaro. Hindi. Bakit? Simple, enjoy siya sa ginagawa niya. Nadinig ko nga kay Brother Eli Soriano .Kahit isang libong taon mo ng ginagawa ang trabaho mo, basta mahal mo, di ka magsasawa at pagbubutihin mo pa ng pagbubutihin. Ganun din naman ang computer.If you want to learn it, enjoy using it. Pero hindi dahil narinig mo ang enjoy, ay gagawin mo lang laruan ang computer magmula sa umaga hanggang magdamag. There are ways to enjoy it productively. Abangan niyo in my next post pa God willing.

8.Maximize and do not Minimize.kung anong meron ka maximize the use of it. Hindi dahil may bago ng labas na computer o gamit or gadget ay iyon na ang kailangan mo, remember, iba ang kailangan, iba ang gusto. Most of the time, gusto lang ang umiiral lalo na kapag may pera kang naiinip kang gastusin. Huwag padaya sa ganda ng ads, ang advertisement ay talagang pinapaganda para maakit kang bumili. Wala namang nag ad na plain white lang at nakalagay BUY THIS, period. Mas mabuting magtanong tanong muna gaya ng nabanggit ko sa number 5.

How about not to minimize? well kabaligtaran siguro. Baka ang iyong computer, kahit ipamigay mo ay tatanggihan na ng batang maliit na nakatira lang sa ilalim ng tulay. Iba ang nagtitipid sa kuripot. Para matuto ka, you need to invest. Sabi nga ng mga businessman ” you need to spend some money to earn some money” which is true.

9.Magtrabaho. Hindi lahat ng alam natin ay sa eskuwelahan matututunan, mas marami sa trabaho. Although may pagka monotonous ang ibang trabaho minsan (malas mo), maraming trabaho ang challenging. Mostly sa production. So hindi boring ang lahat ng trabaho, mapunta ka lang sa magandang kompanya, natututo ka na, kumikita ka pa. Lalo na pag empleyado ka ng Googleplex sa California.

10.Bumili ng sariling computer. May nakita ka na bang student na may dalang malaking ruler sa likod(T-square) at canister ng papel. Yup, mostly mga engineer yun, architect or mga fine arts. Kahit mabigat at minsan nagmumukha silang may dalang bala ng pana ay ok lang. Kailangan nila yun. Mayroon bang sundalo na pinadala sa gera na walang baril at bala at makikipagsuntukan lang sila sa labanan? Meron pero gera sa mental hospital siguro yun. Meron bang karpintero na hindi man lang bumili ng martilyo para sa sarili niya? Ano ang point ko? Gusto mo ba talagang matuto? Bumili ka ng computer. At di ka matatakot makasira ng computer ng bestfriend mo at lihim na magtampo ang buong pamilya niya sayo dahil yun ang gamit nilang lahat, Tatay, Nanay at pitong magkakapatid, yung isang anak nila ay nasasa abroad na araw araw nakikipagchat sa kanila. Kaya para lubos kang matuto at maging seryosong nagaaral ng computer, buy one…

Mahal ba? problema mo na yun, mahal ang pinili mong hilig.

So there goes the 10 RULES.

I hope may natutunan kayo dito sa aking post, at kung meron man feel free to comment or suggest ng iba pang gusto niyong topic.

Hanggang dito na muna. Until then. Thank you and Godbless.

Truly Yours,

Vinvin

some pointers
* OS-Operating System-maaaring Windows, Mac, Linux. Siya ang nagpapatakbo ng buong computer. Without OS, you are nothing. Windows ang most common OS sa mundo. Windows XP ang pinakagamit. Although May windows Vista na. Kaya may iba-ibang Windows kasi it goes with time. Dumarating sa panahong mas nangangailangan na ang mundo ng bagong version at siempre negosyo ito kailangan nilang kumita.