Archive

Archive for March, 2008

Visible Invisible

March 17, 2008 6 comments

I am a YM user. Most Filipinos are. Masasabi ko ng buong paninindigan, ang Yahoo Messenger ang pinakamagandang IM software existing in this planet sa ngayun. Kung meron pang iba, hindi ko alam yun. To tell you frankly, marami na akong nasubukang gamitin na mga chat softwares. MIRC, Gtalk, etc.. pero YM does the work very well. Now most of my colleagues use Yahoo Messenger. Merong ilang nagpipilit sa Gtalk pero ok lang, kinakausap ko pa din sila sa Gtalk ko habang umiiling at naiistress. Pero siempre may good side naman siya so why not. Sa YM, I have 2 accounts with a different purpose. Sa lagi kong gamit, I have more than 200 na nakaadd. Hindi ako sure sa eksaktong bilang pero marami. Pag maluwag ang oras ko, hinahanap ko ang ibang mga kakilala ko na matagal ko ng hindi nakakausap. Pero may mga pagkakataong wala sila. Or siguro invisible lang at ayaw paistorbo. Ok lang… Teka… Sandali lang, paano na lang pag importante? At nariyan naman sila at kailangan mo talagang makausap? Tawagan ko siguro. Teka, mahal ang tawag nasa abroad ako baka magkatagalan ng usap patay ako. Andiyan kaya siya o wala? Malamang invisible lang dahil halos isang taon ko ng hindi nakikitang online. Or malamang wala talaga? Well solve na ang problema mo, verify mo sa persiangap.com kung andiyan nga lang talaga at invisible ang iyong kaibigan, kapamilya, etc. Pati avatar niya makikita mo din sa right side once na detected siyang invisible. O teka bakit nakangiti ka?

Magiwan ng komento. Salamat po.

Ang author ng blog na ito ay pinalad na magkaroon ng sariling domain. Simula ngayung buwan ng Mayo, 2009, maaari niyo nang mabasa ang kaniyang mga bagong articles sa www.angresulta.com . Libre po ang pagbabasa pero sana ay huwag kalimutan magkomento :) Kaya lipat na po kayo sa angresulta.com at makabasa ng mga bagong artikulo na nauukol sa ating panahon. Ang blog na resulta.wordpress.com ay mananatili bilang alaala sa mga pasimulang hangarin ng author na makatulong sa ating mga kababayan TECHnically.