I want you to LEARN, learn for me baby…. by Tina Arena.
Pano ba matuto ng computer? Pano nga ba? Well, I don’t know much para sa iba. Pero here are 10 ways kung pano matuto. Based on my personal experiences. Ito ang
10 Ways to Learn On How to Use the COMPUTER (PC, MAC, Linux.. it’s up to you)
1.Huwag matakot. Una, ang computer ay hindi nangangagat. Pangalawa, gawa lang ito
ng tao kaya tao ka din naman na puedeng pagaralan ito (turo ni Kuya Daniel:)). Pero bago ka tumapang, ipagtanong mo muna ang kahulugan ng format at delete. Ang Delete ay pagbubura ng file, ang Format ay pagbura ng buong hard disk ng computer meaning lahat ng files pati OS (Operating System). Mabuti ng alam mo ito at ito ang lines that you should not just cross, lalo’t bago ka sa computer.
2.Magbasa. Sa pagbabasa marami kang madidiscover, una nadiscover mo itong blog na ito dahil binasa mo ang message ko sa invitation ko para i-browse mo (tama ba?).Pangalawa, it is vital. Marami kang maiimbak na karunungan sa pagbabasa. Puede ka ding bumili ng book, yun nga lang may kamahalan. Before kang bumili, dahil mahal, try reading first sa mga bookstore, pagka sa tingin mo kailangan then go for it. Pero kung ilang pointers lang kailangan mo, puede mo namang huwag bilin kundi basahin lang. Pagka nakabalot sa bookstore, magpaalam ka ng magalang at pabuksan. Kapag ayaw, pumunta ka sa Powerbooks sa megamall at duon lahat ng books halos nakabukas, puede ka pang umupo sa sofa, libre at walang sisita. Pagka gutom ka na, lumabas at kumain sandali and then balik uli.In my other post na padating, I’ll show you more pointers kung ano ang mga ways to acquire many reading materials.
3.Application.walang mas maganda sa pagbabasa kundi gawin sa actual. Maaaring nakikita mo sa pelikula na ang baril ay may isang libong bala at napapatay lahat nang kalaban, pero sa aktuwal walo lang pala ang bala at nakakabingi pa. Maaari nakita mo sa pelikula na ng mabuhusan ng kape ang keyboard ng computer ay sumabog ang buong laboratoryo at nagkaroon ng invisible man dahil sa nangyari pero ng mabuhusan mo ang sayo ng kape e nangamoy kape lang at kailangan mong patuyuin ng nakabaligtad at most of the time nagagamit uli. Para maiwasan mo ang maging inosente, huwag kang matapos sa pagbabasa. Apply what you have learn.
4.Magaral.Kung gusto mo talagang matuto, maaari kang magaral sa mga eskuwelahan na nagtuturo nito. Kung gusto mong maging propesyon ito, tama lang lalo na magaral ka. Marami namang eskuwelahan na nagtuturo nito sa Pilipinas at sa buong mundo.Ingat lang sa mga eskuwelahang Iskul Bukol.
5.Magtanong.”daig nang mapagtanong ang marunong.” I think wala na akong dapat ipaliwanag dito.
6.Magduda sa sarili. may mga pagkakataon, nasa bingit ka ng pagaalangan, hunch sa
inggles. Hindi porke marunong ka na ay di mo na maaaksidenteng mabubura ang tinype mo magdamagan ng limang araw. Dapat ay huwag ka laging sigurado sa nalalaman mo. Lagi kang cautious, maingat at nagaanalyze ng mga situation sa computer world. Nakakatulong madalas ang hindi tiwala sa sarili.Pagka feeling mo baka masira mo ang computer sa gagawin mo, magtext, magchat or tumawag at gawin ang number 5:Magtanong-sa mga kaibigan na makakatulong. Second opinion works for computer learning din. Ang word na second opinion ay naririnig natin madalas sa nagpapakonsulta sa doktor. Pero it is vital din madalas sa computer.
7.Enjoy. Nakita mo bang si Jordan na parang lulugolugo sa basketball court at gusto ng umuwi habang naglalaro. Hindi. Bakit? Simple, enjoy siya sa ginagawa niya. Nadinig ko nga kay Brother Eli Soriano .Kahit isang libong taon mo ng ginagawa ang trabaho mo, basta mahal mo, di ka magsasawa at pagbubutihin mo pa ng pagbubutihin. Ganun din naman ang computer.If you want to learn it, enjoy using it. Pero hindi dahil narinig mo ang enjoy, ay gagawin mo lang laruan ang computer magmula sa umaga hanggang magdamag. There are ways to enjoy it productively. Abangan niyo in my next post pa God willing.
8.Maximize and do not Minimize.kung anong meron ka maximize the use of it. Hindi dahil may bago ng labas na computer o gamit or gadget ay iyon na ang kailangan mo, remember, iba ang kailangan, iba ang gusto. Most of the time, gusto lang ang umiiral lalo na kapag may pera kang naiinip kang gastusin. Huwag padaya sa ganda ng ads, ang advertisement ay talagang pinapaganda para maakit kang bumili. Wala namang nag ad na plain white lang at nakalagay BUY THIS, period. Mas mabuting magtanong tanong muna gaya ng nabanggit ko sa number 5.
How about not to minimize? well kabaligtaran siguro. Baka ang iyong computer, kahit ipamigay mo ay tatanggihan na ng batang maliit na nakatira lang sa ilalim ng tulay. Iba ang nagtitipid sa kuripot. Para matuto ka, you need to invest. Sabi nga ng mga businessman ” you need to spend some money to earn some money” which is true.
9.Magtrabaho. Hindi lahat ng alam natin ay sa eskuwelahan matututunan, mas marami sa trabaho. Although may pagka monotonous ang ibang trabaho minsan (malas mo), maraming trabaho ang challenging. Mostly sa production. So hindi boring ang lahat ng trabaho, mapunta ka lang sa magandang kompanya, natututo ka na, kumikita ka pa. Lalo na pag empleyado ka ng Googleplex sa California.
10.Bumili ng sariling computer. May nakita ka na bang student na may dalang malaking ruler sa likod(T-square) at canister ng papel. Yup, mostly mga engineer yun, architect or mga fine arts. Kahit mabigat at minsan nagmumukha silang may dalang bala ng pana ay ok lang. Kailangan nila yun. Mayroon bang sundalo na pinadala sa gera na
walang baril at bala at makikipagsuntukan lang sila sa labanan? Meron pero gera sa mental hospital siguro yun. Meron bang karpintero na hindi man lang bumili ng martilyo para sa sarili niya? Ano ang point ko? Gusto mo ba talagang matuto? Bumili ka ng computer. At di ka matatakot makasira ng computer ng bestfriend mo at lihim na magtampo ang buong pamilya niya sayo dahil yun ang gamit nilang lahat, Tatay, Nanay at pitong magkakapatid, yung isang anak nila ay nasasa abroad na araw araw nakikipagchat sa kanila. Kaya para lubos kang matuto at maging seryosong nagaaral ng computer, buy one…
Mahal ba? problema mo na yun, mahal ang pinili mong hilig.
So there goes the 10 RULES.
I hope may natutunan kayo dito sa aking post, at kung meron man feel free to comment or suggest ng iba pang gusto niyong topic.
Hanggang dito na muna. Until then. Thank you and Godbless.
Truly Yours,
Vinvin
some pointers
* OS-Operating System-maaaring Windows, Mac, Linux. Siya ang nagpapatakbo ng buong computer. Without OS, you are nothing. Windows ang most common OS sa mundo. Windows XP ang pinakagamit. Although May windows Vista na. Kaya may iba-ibang Windows kasi it goes with time. Dumarating sa panahong mas nangangailangan na ang mundo ng bagong version at siempre negosyo ito kailangan nilang kumita.
this blog is really informative lalo na sa panahon natin ngayon kaya sana mas madami ka pa maipost… aabangan ko bawat article na ipopost dito…keep up the good work
nice!!!!!education at makamasa ang dating …kesa naman kung anu-ano ang binabasa na minsan walang namang something to learn dito ka na lang …looking forward for more helpul informations.
request po., pls. also tackle about parts of computers and it’s use
kasi monitor, keyboard at mouse lang ang alm ko.. bukod sa printer at webcam hehehe..
how about ung mga nasa loob ng CPU chasis?
)
i’l be waiting for your net article!
nice
so informative!
request po.. pls. tackle also the different parts of computer and its use..
kasi honestly ang alam ko lang eh monitor, keyboard at mouse, bukod sa printer at webcam hehehe..
how about ung nsa loob ng CPU chasis?
keep it up! i’ll be waiting for ur next article
astig tong article, agree ako, especially with no.s 1 (super takot akong gumamit at mangalikot ng pc dahil baka anytime sumabog, nyahay timebomb ito) and 9 hehe! and pinaka agree sa no. 10 nyahay! pero oks lang it’s worth it naman, dami namang magagawa and matutunan especially, u can save souls thru it. yeah astig! keep on posting po. rock on hehe!
well done… maintindihan ng ordinaryong taong tulad ko. hehehe… after mabasa ito ng naive sa computer ay baka magka interest at maging computer wizard… aabangan ang mga darating pang topics na i po post …
Cool!!! very nice and interesting topic…basic, simple but very informative…anyone can understand the message of this article…sana mas marami pa kaung post soon!!!enjoy po basahin at di boring…nakakatuwa naman…i’ll wait for ur next post!!!keep it up big brother…:-)
Again, natuto ako sa blog na ito, at talagang based on experience. It will help me a lot……. until the next blog, hihintayin ko.
hay naku,i didn’t know that your a writer na…ok ung blog mo ha…very informative…i like it…continue mo lang ito for the benefit of all of us…if i have questions or request, i’ll let you know…ok
Jaja, trying hard lang to be a help to anyone na makakabasa nito. Thanks anyway.
If this your way of expressing help then I may say you’re a doing a good job for us neophytes.I just want to suggest one thing if you can find a help mate in translating it english?You see if you really want to spread your wings for the intentions of helping then you might at least share and open it worldwide.So that people who cannot understand tagalog may learn also. Di po ba? just suggesting….hehe
ASTIG…
nakaka aliw mag basa ng ganitong blog…
INFORMATIVE NA AT THE SAME TIME COMEDY PA…
in short >>>> HINDI BORING….
hehehehe… keep it up kuya vin!!!
Thanks Diday, I guess dapat ko pang pagbutihin sa susunod to keep you coming back.
To sherra, I guess maganda nga kung magagawa kong english ito. Sige I’ll find a way na magawa nga itong ganun.